Print Version Email to Friend | ||
Ang dakilang magagawa ng Diyos sa atin
|
||
Sa mata ng karaniwang tao ang isang pirasong bato ay maaaring walang halaga. Ngunit sa dalubhasang paningin ng dakilang Eskultor ang batong walang hugis ngayon ay may potensyal na maging obra-maestra. Ang basura sa iba, ay maaring may halaga pa sa iba. Sa ganito natin maihahalintulad ang pagtatagpo ni Pedro at ni Hesus sa Ebanghelyo ngayong Linggo. Kung minsan marumi at di kara-pat-dapat ang tingin natin sa sarili. Ngunit iba ang nakikita ng Diyos sa atin, hindi lang ang ating kasalanan, kundi ang posible nating kabanalan. “Lumayo po kayo sa akin, Mahalaga ang pag-amin ng kababaan ng ating kalagayan at pagkatao. Ito ang simula ng ating pagsuko sa Diyos. Kung kinikilala natin ang ating kawalan at kahinaan, tayo ay nagiging bukas sa biyaya at pagpupuno ng Diyos sa ating buhay. Hangga’t hindi natin isinusuko ang ating kayabangan at pagmamataas, ang ating pagsasarili at pagkamakasarili sa paanan ni Hesus, di magagawa ng Diyos ang mas dakila pang bagay na plano niya sa atin. Ngunit sa halip na lumayo si Hesus, kagaya ng hinihiling ni Pedro, mas lalo pang lumapit ang Panginoon kay Pedro, o mas lalo pang inilapit ni Hesus si Pedro sa kanyang sarili. Bagamat inamin ni Pedro ang kanyang pagkamakasalanan, siya pa ang pinili ng Panginoon na maging ‘mangingisda ng tao.’ At kahit na paulit-ulit lalabas ang kahinaan ni Pedro hanggang itinanggi niya na kilala niya si Hesus, pinili pa rin siya ng Panginoon na maging pinuno ng labing dalawang apostoles, ang bato kung saan itinayo ni Hesus ang kanyang Simbahan. Pinipili, tinatawag, at pagkakatiwalaan tayo ng misyon hindi dahil sa ating talino o ano mang katangian at kung ano ang kaya nating gawin. Hindi mahalaga sa kanya kung ano ang magagawa ko, kundi ano ang magagawa ng Diyos sa akin. At tila ba siya ay nagsimula sa pagbabago ng ating loobin at pagkatao. Sa bawat Kristiyano na sumusunod kay Kristo, ang mas matinding hamon ay hindi ang mga gawain at panlabas na mga proyekto, kundi ang ating pagbabagong “Pumalaot kayo at doon ihulog ang mga lambat.” Ang pangungusap ng Guro ay nagpapatibay ng loob. Huwag agad susuko kung minsan di tayo nagtatagumpay; tanungin ang Panginoon at subukan ang ibang paraan. “Panginoon, samahan mo ako sa laot at malalim na dagat, upang ako ay di matakot, at buong pagtitiwala sa iyo, doon ko muling ihuhulog ang lambat.” Ang utos ni Hesus ay isa ring paghamon. Mananatili na lamang ba tayo sa mababaw na tubig na ating tinatayuan ngayon? Di kaya panahon na upang itulak ang ating bangka sa mas malalim at di pa nasubukang bahagi ng buhay. Ito ay personal na pag-anyaya ng Panginoon. Nakakakaba mang isipin, marami ang dapat gawin at babaguhin, ngunit kung tayo ay magtitiwala sa kanyang Salita siguradong may himala na gantimpala. • Chaplaincy for Filipinos
|
||
Previous: Learning to trust his voice Next: Second Week of Lent |
||
|
||
|
The Catholic Diocese of Hong |
|
|||||||
Copyright@2015 Sunday Examiner. Published by the Bishop of the Roman Catholic Church of Hong Kong
|