CATHOLIC NEWS OF THE WEEK . Saturday, 11 November 2017

Print Version    Email to Friend
Ang pagsasabuhay ng pananampalataya

Isang namumuno sa Simbahan ang nagsabi, “Eskandalo na hindi ko ginagawa ang bagay na aking itinuturo, ngunit mas malaking eskandalo kung ituturo ko ang bagay na aking ginagawa.” Bagamat pabiro ang pagkakabigkas nito, mayroon ding mahalagang punto ang napapaloob dito. 
 
Binatikos ni Hesus ang mga Pariseo at mga eskriba na “hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral”(Mateo 23:3).
 
Ito ay hindi upang ipagsawalang bahala ng mga tao ang katuruang ibinibigay sa kanila. Huwag nating kalimutang sinabi muna ni Hesus na “gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos.” 
 
Walang problema sa kanilang itinuturo, sapagkat ang kanilang ipinangangaral ay mula sa mabu-
buting salita ng Diyos; karaniwan ay maganda ang mensahe ng kanilang pananalita. Ngunit ang madalas nating pagkulang ay pagsasabuhay ng ating panampalataya at kapus na pagsunod sa utos ng Diyos.
 
Nalilito si Susan dahil bagamat sinasabi sa kanya ng kanyang mister na mahal niya ito, ay patuloy naman ang pang-bababae nito at pagwaldas sa mga ipinadadalang pera na pinaghirapan niya sa abroad. 
 
Hindi tuloy alam ni Susan kung tunay pa ba ang sinasabing pagmamahal gayung wala siyang makitang katibayan nito sa pagtrato sa kanya ng asawa. 
 
Ganoon din naman, mawawalang saysay ang ating pagka-relihiyoso at pagsisimba kung ang karaniwang buhay naman natin ay hindi banal at puno ng pagkakamali at pagkakasala. 
 
Mas paniniwalaan ang ating mga salita at paniniwala kung ang ating paggawa at pamumuhay ay ayon sa ating pananampalataya.
 
Hindi rin ipinagbabawal ni Kristo ang paggamit natin ng titulo kagaya ng “father” o “guro”. Ang nais lamang niyang iwasan natin ay kung lumaki ang ating ulo at kumapit tayong parang tuko sa ating mga posisyon ng kapangyarihan.
 
Hindi natin dapat ipagmayabang kung ano mang katayuan at katungkulan natin sa buhay o organisasyon. Bagkus ay binigyan diin ng Panginoon na maging pangunahin nating motibo sa paghawak ng katungkulan ay hindi ang kapangyarihan kundi ang tunay 
na pagkakapatiran.
 
Mas mahalaga na tayo ay maging mababa ang loob sa pagsisilbi. Hindi pangkaraniwan na sa isang organisasyon ay nag-aaway-away dahil sa pag aagawan ng kapangyarihan at katanyagan sa harap ng tao. Sa halip ay gawin nating pagsisilbi ng may kababaang loob ang maging pangunahin nating moti-basyon sa pagsisilbi sa Diyos, Simbahan at kapwa.
 
Bilang pagninilay, tanungin natin ang ating sarili kung mabuti nga ang ating ginagawa. Ako ba ay nag-papakatotoo sa aking pananam-
palataya sa pamamagitan ng pagkilos at paggawa ng kabutihan?
 
Ako ba ay nagpapagaan ng buhay ng iba o isang pabigat lamang sa buhay ng iba? 
 
Kung gumagawa ako ng mabuti at maganda, wasto ba ang aking motibasyon o isang pakitang tao lamang? Nawa bilang mabubuting Kristiyano ay ating maisagawa ang ating pananam-palataya.
 
● Chaplaincy for Filipinos