Print Version    Email to Friend
Sixteenth Sunday in Ordinary Time - Martha at Maria

Nakakatuwang madinig sa Ebanghelyo ngayon na si Hesus ay Dumalaw sa mga kaibigan nya na sina Marta at Maria. Kaya naman si Marta eh di malaman paanong istima o pag asikaso ang gagawin. Si Maria naman parang walang paki at gusto lang maupo sa paanan ni Hesus at makinig 
 
Tayong mga Pilipino eh kilala sa ating hospitality at husay sa pag alaga sa bisita. Halos lahat gagawin natin at ibibigay para masiyahan ang panauhin.  Ang pinaka magandang kwarto ang ipagagamit. Ang mga bagong plato at baso ang ihahanda at madameng pagkain. Ma asikaso tayo sa panauhin.
 
Para naman kila Martha at Maria, ang pag tanggap nila kay Hesus ay pagbubukas ng kanilang tahanan at puso sa Panginoon. Si Marta na abala sa kusina para magluto. Samantalang si Maria eh gusto lamang makinig sa kwento ni Hesus. Kaya ang sabi ni Hesus kay Marta eh huwag masyadong magalala. 
 
Simple lamang ang kailangan nya sa kanyang pagdalaw at si Maria nakuha nya at naintindihan. Ang maupo sa kanyang paanan at makinig. 
 
Sa ating buhay, siguro madami tayong alalahanin o problema na pinagdadaanan. Eto ang payo ni Hesus. Darating at dadalaw sya sa atin sa pamamagitan ng panalangin, ng Biblia at Misa. 
 
Ang mahalaga ay makinig at mag tiwala. Andyan si Hesus para tulungan tayo at bigyan ng lakas. Magdasal, makinig, sumampalataya at kumilos.  
 
Kumukatok si Hesus sa pintuan ng ating mga puso, halina at pagbuksan sya at patuluyin sa ating buhay. At katulad ni Marta at Maria,  sabihin natin, Hesus tuloy po kayo sa tahanan ng aming puso at duon kayo manahan.
 
“Martha, Martha, abala ka sa maraming bagay, samantalang isa lamang ang mas mahalaga, at pinili ni Maria ang mas mahalaga at walang makaka agaw nito sa kanya”
 
● Father Arnold Abelardo CMF