Print Version    Email to Friend
Eleventh Sunday in Ordinary Time - Kasaganaan para sa kaharian ng Diyos

Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang naghasik ng binhi sa kanyang bukid. Pagkatapos niyon, magpapatuloy siya sa kanyang pang-araw-araw na gawain; tutubo at lalago ang binhi nang hindi niya nalalaman kung paano. Ang lupa’y siyang nagpapasibol at nagpapabunga sa mga pananim: usbong muna, saka uhay na pagkatapos ay mahihitik sa mga butil. Pagkahinog ng mga butil, agad itong ipagagapas sapagkat dapat nang anihin” (Marcos 4:26-29).