Print Version    Email to Friend
Pagbabago para kay Kristo!

Napansin ko, na sa panahon ng Adbiyento parang kaunti lang ang nangako na may babaguhin sila sa kanilang buhay o sa kanilang ugali. Pero pag Bagong Taon, o New Year, maraming nangangako na magbabago, maraming mga New Year’s Resolution. Ang tanong, ano ba ang dahilan bakit ang isang tao ay nagbabago? Ang pagbabago ba ay para kay Kristo?